Ilang linggo na rin ang lumipas bago ko muling hinawakan ang aking panulat. Ngunit walang pagbabagong nangyari. O kaya naman, naghintay lang ako. Hindi ako nagpumilit magbago. Ang katotohanan nga ay hindi ko alam kung ano ang babaguhin ko sa sarili ko upang muli kong maharap ang pagsusulat. Hindi ko inakalang hindi ko matitiis ang keyboard matapos ang ilang araw ng pagmumuni-muni. Alam mo iyon, matutulog ka na, ngunit may dadapo sa iyong idea o realisasyon.
Napakadali rin namang linlangin ang sarili na hindi talaga ito pagsusulat, hindi ko naman pinag-iisipan e. Marahil, sapagkat isang outlet para sa akin ang pagususlat. Pagkadating sa mga outlet, hirap ako. Kung kaya naman lahat ng mga pagsusulat ko ay mga panandaliang pagbubuhos ng damdamin at isipan, tulad ng piyesang ito. Parang pagsasalsal lang. Humahantong na minsan sa nibel na magsasalsal na lang para lang makapagsalsal. Magsusulat para lang may maisulat. Magsusulat para lang may makitang mga titik na magkakadikit, kahit walang kahulugan. Madalas ko itong problema sa pagbabasa. Mababasa ko ang bawat salita, pangungusap, talata. Pagkaabot sa dulo, Ano nga ulit iyong nabasa ko?
Kaya heto ang mga titik na nagnanais lamang punuin ang kalawakang bumabalot sa akin. Umaasa pa rin akong pagsisikapan kong harapin ang aking panulat. Lahat nang ito'y panakip-butas lamang, kahit na walang maaaring tumakip sa kalawakan. Pero syempre, napakadaling linlangin ang sarili.
----
I feel the urge to take a picture of the sky.
Do you remember the times when we thought of clouds as rabbits, chariots and fires?
I will take a photograph of the blue, cloudy sky surrounding me, and reproduce it on a huge sheet of paper. It should be panoramic, like how the sky would look like if you unwrap and straighten its reflection on the surface of a sphere.
Do you know how it is like to be inside a sphere?
The photograph will move from east to west, and it will be windy.
Do you remember the time when you pointed at a cloud and said, That's you.
Monday, November 2, 2009
1
Labels:
pagmumuni-muni
Subscribe to:
Posts
(Atom)
Labels
- tula {17}
- pagsasanay {3}
- prosa {3}
- catharsis {2}
- draft {2}
- pagmumuni-muni {2}
- rant {2}
- renga {2}
- work-in-progress {2}
- cliché {1}
- ezra pound {1}
- jorge luis borges {1}
- nick lantz {1}
- paalam {1}
- sanaysay {1}
- t.s. eliot {1}
- typeface {1}
Time Machine
- {3} March 2010
- {1} January 2010
- {4} December 2009
- {1} November 2009
- {6} September 2009
- {6} August 2009
- {6} July 2009