Pwede kong isa-isahin
ang kanyang sarili.
Tila kinakausap niya ito at tinatanong
"Ano ang iyong pangalan?"
PAULIASI TAULAVA.—"The Rock"
mula paa paitaas—
"Yaya, ayos lang ako." Hindi.
Sa ulo, ang hapdi, ang hapdi.
Binabanlawan ang anak.
Ganoon na lamang ang aking pagkagulat
nang makita ko ang lumabas.
Ang dagundong na waring yabag ng diyos
na nagbabalik.
Big time talaga si Asi.
– mga linya mula sa Heights LVII 2. Geneve, Gian, Pepito
Showing posts with label renga. Show all posts
Showing posts with label renga. Show all posts
Thursday, March 4, 2010
Big time
Labels:
renga
Tuesday, August 11, 2009
nang ‘di ka mabura sa alaala
(nina miles at pepito)
muli kong isinusulat ang pangalan mo
sa kuwaderno ko
matingkad ang marka ng mapurol na lapis
sa papel na pinaluma ng iyong alaala
paulit-ulit ang paghagod ng itim
sa espasyo na pilit kong pinupuno
habang unti-unting sumasayad ang kahoy
sa naglalahong mga linya’t kurbang
nagsasabing
---
Subscribe to:
Posts
(Atom)
Labels
- tula {17}
- pagsasanay {3}
- prosa {3}
- catharsis {2}
- draft {2}
- pagmumuni-muni {2}
- rant {2}
- renga {2}
- work-in-progress {2}
- cliché {1}
- ezra pound {1}
- jorge luis borges {1}
- nick lantz {1}
- paalam {1}
- sanaysay {1}
- t.s. eliot {1}
- typeface {1}
Time Machine
- {3} March 2010
- {1} January 2010
- {4} December 2009
- {1} November 2009
- {6} September 2009
- {6} August 2009
- {6} July 2009