Nanaginip ako kagabi. Syempre, nakalimutan ko na naman ang mga pangyayari. Pero nakatatak pa rin sa akin ang nadama ko.
Alam mo ba ‘yung pakiramdam pagkatapos kumain ng garlic rice? Naaalala ko pa ‘yun. Alam kong kumain ako ng garlic rice sa panaginip ko. O baka naman kasi kakakain ko lang ng garlic rice. Naalala ko ‘yung panaginip ko dahil sa garlic rice. Association nga raw, sabi ng psychology.
Naalala ko rin na lumipad ako, ngunit nakisabay ang mundo sa aking paglipad. Mukha tuloy akong tangang nakalutang. Parang treadmill ba. Siguro sinasabi sa akin ng utak ko na mag-exercise ako. Kain kasi ako nang kain ng garlic rice.
Pero masarap naman talaga ang garlic rice. Mahirap itong iwanan. Araw-araw ko itong binibili sa cafeteria, at isasabay ko ito sa tapa at itlog. Tapos lalagyan ko ng suka ang tapa. May sili pa. Hindi ako nagsasawa kahit araw-araw ko itong kinakain. Ewan ko ba.
Araw-araw akong natutulog. Hindi gabi-gabi. Wala akong oras para mag-beauty sleep. At mas lalong wala akong oras para tumakbo sa treadmill. Dahil kahit gumawa pa ako ng oras ko, makikisabay lang din ang mundo.
Monday, August 10, 2009
Nanaginip ako kagabi.
Subscribe to:
Post Comments
(Atom)
Labels
- tula {17}
- pagsasanay {3}
- prosa {3}
- catharsis {2}
- draft {2}
- pagmumuni-muni {2}
- rant {2}
- renga {2}
- work-in-progress {2}
- cliché {1}
- ezra pound {1}
- jorge luis borges {1}
- nick lantz {1}
- paalam {1}
- sanaysay {1}
- t.s. eliot {1}
- typeface {1}
Time Machine
- {3} March 2010
- {1} January 2010
- {4} December 2009
- {1} November 2009
- {6} September 2009
- {6} August 2009
- {6} July 2009
4 comments:
baka naman ibang pagkain at ibang paglipad yan
Haha pucha hindi naman. :))
sigurado ka?
nananaginip ka kaya.
Iba ang pakiramdam ng garlic rice sa kung ano man ang iniisip mo.
Post a Comment