sindi
patay—
sa dilim lamang tayo
nakahihinga—sindi.
Sunday, August 23, 2009
Tuesday, August 11, 2009
nang ‘di ka mabura sa alaala
(nina miles at pepito)
muli kong isinusulat ang pangalan mo
sa kuwaderno ko
matingkad ang marka ng mapurol na lapis
sa papel na pinaluma ng iyong alaala
paulit-ulit ang paghagod ng itim
sa espasyo na pilit kong pinupuno
habang unti-unting sumasayad ang kahoy
sa naglalahong mga linya’t kurbang
nagsasabing
---
Monday, August 10, 2009
Huli na ‘to, pramis
Huling pagbabago na ‘to ng url ng blog ko. Ngayon ko lang nalaman na maaari pa palang kunin ang Abschattung. Paumanhin.
Nagtataka ka siguro kung bakit may fixation ako sa Abschattung(en). Hango ito sa phenomenology. It is a profile, a perspective, an aspect of the perceived. The perceived gives itself to us through appearances, through a series of profiles (Abschattungen) that do not exhaust the perceived.
Suwak na suwak. Dahil isa lang naman ang kamalayan ko, e ‘di pinagmumulan ako ng Abschattung, ng isa sa Abschattungen.
Sawa ka na siguro sa Abschattungen. Sawa ka na sa ako, sa “I”. Magsawa ka lang. Sawa na rin ako sa ‘yo.
Pero ‘di ibig sabihin na hihinto na ako sa pakikinig sa ‘yo.
Nanaginip ako kagabi.
Nanaginip ako kagabi. Syempre, nakalimutan ko na naman ang mga pangyayari. Pero nakatatak pa rin sa akin ang nadama ko.
Alam mo ba ‘yung pakiramdam pagkatapos kumain ng garlic rice? Naaalala ko pa ‘yun. Alam kong kumain ako ng garlic rice sa panaginip ko. O baka naman kasi kakakain ko lang ng garlic rice. Naalala ko ‘yung panaginip ko dahil sa garlic rice. Association nga raw, sabi ng psychology.
Naalala ko rin na lumipad ako, ngunit nakisabay ang mundo sa aking paglipad. Mukha tuloy akong tangang nakalutang. Parang treadmill ba. Siguro sinasabi sa akin ng utak ko na mag-exercise ako. Kain kasi ako nang kain ng garlic rice.
Pero masarap naman talaga ang garlic rice. Mahirap itong iwanan. Araw-araw ko itong binibili sa cafeteria, at isasabay ko ito sa tapa at itlog. Tapos lalagyan ko ng suka ang tapa. May sili pa. Hindi ako nagsasawa kahit araw-araw ko itong kinakain. Ewan ko ba.
Araw-araw akong natutulog. Hindi gabi-gabi. Wala akong oras para mag-beauty sleep. At mas lalong wala akong oras para tumakbo sa treadmill. Dahil kahit gumawa pa ako ng oras ko, makikisabay lang din ang mundo.
Thursday, August 6, 2009
Wala lang
writing exercise hango sa beautiful in-law ni adam david. dahil masayang mag-isip ng anagrams haha. more to come kapag walang magawa.
ginto
itong gin ni Toto—
totoong init ng ginoo.
tigang
igiit ang ngiti at tingnan
ang naggigitgitang
tinga-tinga.
Labels
- tula {17}
- pagsasanay {3}
- prosa {3}
- catharsis {2}
- draft {2}
- pagmumuni-muni {2}
- rant {2}
- renga {2}
- work-in-progress {2}
- cliché {1}
- ezra pound {1}
- jorge luis borges {1}
- nick lantz {1}
- paalam {1}
- sanaysay {1}
- t.s. eliot {1}
- typeface {1}
Time Machine
- {3} March 2010
- {1} January 2010
- {4} December 2009
- {1} November 2009
- {6} September 2009
- {6} August 2009
- {6} July 2009