Hanggang dito na lang
ako, sa harap ng salamin:
dito, kung saan nakatingin
ako sa aking tingin.
Mawawari ang dagundong
ng kabayo sa malayo.
Nagbabadya sa likuran
Saturday, March 13, 2010
Hanggang dito na lang
Thursday, March 4, 2010
Big time
Pwede kong isa-isahin
ang kanyang sarili.
Tila kinakausap niya ito at tinatanong
"Ano ang iyong pangalan?"
PAULIASI TAULAVA.—"The Rock"
mula paa paitaas—
"Yaya, ayos lang ako." Hindi.
Sa ulo, ang hapdi, ang hapdi.
Binabanlawan ang anak.
Ganoon na lamang ang aking pagkagulat
nang makita ko ang lumabas.
Ang dagundong na waring yabag ng diyos
na nagbabalik.
Big time talaga si Asi.
– mga linya mula sa Heights LVII 2. Geneve, Gian, Pepito
Labels:
renga
Wednesday, March 3, 2010
Arkero
Nakapihit ang pisi ng búsog.
Pasan ng palaso ang pag-aabang.
Maláon nang nakabinbin ang amba.
Nakukutuban ang pangamba
sa pagpintig ng pulso.
Napabitiw.
Kagyat ang pagpikit.
Waring may tinamaan.
Subscribe to:
Posts
(Atom)
Labels
- tula {17}
- pagsasanay {3}
- prosa {3}
- catharsis {2}
- draft {2}
- pagmumuni-muni {2}
- rant {2}
- renga {2}
- work-in-progress {2}
- cliché {1}
- ezra pound {1}
- jorge luis borges {1}
- nick lantz {1}
- paalam {1}
- sanaysay {1}
- t.s. eliot {1}
- typeface {1}
Time Machine
- {3} March 2010
- {1} January 2010
- {4} December 2009
- {1} November 2009
- {6} September 2009
- {6} August 2009
- {6} July 2009